sa palaisdaan...
nagpunta ako maikling pahinga pagkatapos ng trabaho work, work , work ako buong linggo dapat lang na magliwaliw ngayong sabado | |
sa palaisdaan... nakasama ko ang mga taong matagal di nakita oo, totoo, namiss ko sila si arian, joan, kaye at sarah hay naku, pag kami ang magkakasama wala kang maririnig kundi puro tawa. | |
kumain kami at nagpicturan ang ganda ng lugar, ang daming halaman kubo-kubong kainan na sa ilog ay naglutang ang buong paligid, puro kahoy at kawayan | |
sa palaisdaan... may sineserve na ginataang suso' (may impit sa dulo, suso') isa-isa kaming sumipsip at sumubo masarap din ang pusit at ang sinigang pero si arian, lumpiang shanghai ang nilantakan bawal ang rice, ni hindi nga pinansin "not enough vitamins, kulang sa kanin" | |
sa palaisdaan... may man-made fountain, puro bato't halaman sa harapan nito ay isang fish pond munti lang, pero maraming isdang naglalanguyan mga orange na karpa, ang ganda nila tingnan | |
sa palaisdaan... may palaruan, kahoy na slide at isang siso "i-balans natin", yan ang sabi ko kaya sa kabila, naupo kaming tatlo habang si mama bear, nag-isa sa kabilang dulo 3 is to 1, haha, galing noh?! | |
sa palaisdaan... merong mahabang tulay sa gitna ng ilog ito nakalagay pwedeng magpapicture at pwedeng tumambay kaya ayun, nagmaganda ang mga kikay | |
at ito ang climax ng aking kwento... | |
sa palaisdaan... may waiter na semi kalbo 'kuya' pa nga ang tawag ko sumusunod kahit saan kami tumakbo niloko pa ni sarah "sino bang type mo?" aba, maya-maya, pinahingi niya number ko syempre feeling ko, ang ganda-ganda ko pero sorry siya, conservative ang lola mo o diba, ang haba ng hair ko! | |
sa palaisdaan... ilang oras na nagbakasyon pero siguro minsan, babalik ako don hindi para dalawin ang romantikong kalbo hindi para ang suso ay muling matikman ko hindi rin para lamang magpahinga higit pa dun, gusto kong magsaya kasama ang aking mga kaibigan para magkwentuhan at magtawanan... ... at higit sa lahat, para magpicturan! |
1 comment(s):
Hay, nakaka-miss ang araw na iyan. Parang walang problema. Walang trabaho.
Anu ba eto.. wala pa tayong 6 months nagtatrabaho.. bket feeling ko eh pagod na pagod na tayo?
BICOL TAYO!!!
By Prinsesa, at 6:48 PM
Post a comment
<< Home