l.y.n.K.s

Saturday, July 09, 2005

sa palaisdaan...


sa palaisdaan...
nagpunta ako
maikling pahinga pagkatapos ng trabaho
work, work , work ako buong linggo
dapat lang na magliwaliw ngayong sabado



sa palaisdaan...
nakasama ko ang mga taong matagal di nakita
oo, totoo, namiss ko sila
si arian, joan, kaye at sarah
hay naku, pag kami ang magkakasama
wala kang maririnig kundi puro tawa.



sa palaisdaan...

kumain kami at nagpicturan
ang ganda ng lugar, ang daming halaman
kubo-kubong kainan na sa ilog ay naglutang
ang buong paligid, puro kahoy at kawayan



sa palaisdaan...
may sineserve na ginataang suso'
(may impit sa dulo, suso')
isa-isa kaming sumipsip at sumubo
masarap din ang pusit at ang sinigang
pero si arian, lumpiang shanghai ang nilantakan
bawal ang rice, ni hindi nga pinansin
"not enough vitamins, kulang sa kanin"



sa palaisdaan...
may man-made fountain, puro bato't halaman
sa harapan nito ay isang fish pond
munti lang, pero maraming isdang naglalanguyan
mga orange na karpa, ang ganda nila tingnan



sa palaisdaan...
may palaruan, kahoy na slide at isang siso
"i-balans natin", yan ang sabi ko
kaya sa kabila, naupo kaming tatlo
habang si mama bear, nag-isa sa kabilang dulo
3 is to 1, haha, galing noh?!



sa palaisdaan...
merong mahabang tulay
sa gitna ng ilog ito nakalagay
pwedeng magpapicture at pwedeng tumambay
kaya ayun, nagmaganda ang mga kikay

at ito ang climax ng aking kwento...

sa palaisdaan...
may waiter na semi kalbo
'kuya' pa nga ang tawag ko
sumusunod kahit saan kami tumakbo
niloko pa ni sarah "sino bang type mo?"
aba, maya-maya, pinahingi niya number ko
syempre feeling ko, ang ganda-ganda ko
pero sorry siya, conservative ang lola mo
o diba, ang haba ng hair ko!


sa palaisdaan...
ilang oras na nagbakasyon
pero siguro minsan, babalik ako don
hindi para dalawin ang romantikong kalbo
hindi para ang suso ay muling matikman ko
hindi rin para lamang magpahinga
higit pa dun, gusto kong magsaya
kasama ang aking mga kaibigan
para magkwentuhan at magtawanan...

... at higit sa lahat, para magpicturan!