A memorable 10/11 Ü
This is a long overdue post, but I'm still sharing it anyway. :P
Nikki and I celebrated the 6th month of our relationship with close friends. He fetched me from our office at around 6 and we went straight to where Mark and Hannah are temporarily staying to visit Sam, Nikki's first and only
inaanak. Sam is such a cute cute cute boy!
Gusto ko siya kagatin! Kaso, kawawa! :P But he is really adorable, Mark and Hannah are so blessed to have him. Ü Of course, I am ever ready with my slightly defective but still cooperative digicam. I want to capture every Sam's gesture and cutie expression. I guess, I did good with my mission. Lookie!
Pambihirang bata ito, nakangiti o nakasimangot, mukha pa ring anghel!!! *Gigil*
I am proud to say that I have "inherited" this cute little angel as godson through Nikki. When Sam eventually learns to speak, he will call me "Ninang Kei". ^_^
(Hopefully, I can upload his videos soon Ü)
At about 8pm, we left Hannah and Mark's apartment and went back to Ayala Avenue to meet with Joane. We had dinner at Dampa. We had fun buying a variety of seafoods from the Dampa Market!
Halimaw sa laki ang mga alimasag! ;)) Buti na lang, magaling tumawad si Joane! :D The seafoods were then quickly cooked at our chosen restaurant... Mind you... the foods were really really really good! =P~
All dishes were sumptuous! Crab in sweet and chili sauce, Nilagang Hipon, Calamari, Baked Oyster... mmmmmm! :D This is definitely worth trying again! Diba Niknik, Joane? :->
By the way, my dinner dates on that wonderful night of October 11... Ü
ÜÜÜ
I'm in a light mood today! ^_^ I'm happy. Ü I just realized, I am a
very BLESSED person. Ü I live a simple, yet, satisfying life. I have
God in my heart, a wonderful family, a promising career, a loving
boyfriend, good health, among others. Ü I have all the reasons to
smile. I hope I can pass on this joy to others.
Smile everyone and thank God coz we are blessed in so many different ways. ^_^
Balik LB!
Nagpunta kami sa UPLB kahapon! ^_^ Sa sobrang gusto ko makita kung ano ang itsura ng campus pagkatapos ng bagyo, sumugod kami ni Niknik doon kahit medyo late na.
Malinis na yung campus. Halatang naayos na, mahigit 1 week na din kasi ang nakalipas. Pero andun pa rin yung ibang malalaking puno na natumba, gaya ng puno ng Acacia na nasa gilid ng Admin building. Yung malaking puno na nadadaanan kapag papuntang LandBank o papuntang St.Therese... basta yun! Ang laki-laki ng puno. Ang lawak-lawak ng ugat. At nakakagulat na yung buong ugat niya ay nabunot ng dahil lang sa bagyo. Ang kwento pa ni Niknik, meron mga tao (kasama ang kuya niya) na nagrerequest kay Chancy na wag tanggalin yung puno na yun dun. I-preserve lang para "souvenir" ng kung pano sinira ng bagyong Milenyo ang napakaraming puno sa UPLB. Mukhang wala naman nga masama kung gawin yun. Basta wag lang magpopose ng danger yung pagkaiwan ng puno dun, e di why not?
Sa may tapat ng landbank, gilid ng Admin building.
Naglakad kami hanggang sa may freedom park. Nadaanan namin ang iba pang tumbang puno. Meron pa ngang isang puno sa gilid ng Hum bldg na tumumba dun sa isang waiting shed/tambayan. Pero hindi naman malala.
Hindi masyadong kita, pero na-"crumple" yung bubong ng waiting shed sa may gilig ng Hum bldg.
Isa pang tumbang puno sa may tambayan sa kabilang gilid ng Hum Bldg, malapit sa entrance ng NCAS.
Pagpunta sa Palma Bridge, nakakagulat ang lawak at babaw ng ilog na nasa ilalim ng tulay! Biglang na-expose yung mga bato. Tapos kung dati, hindi masyadong kita ang Palma Bridge mula sa may coop, ngayon, kitang-kita na! Nabali halos lahat ng puno na dating tumatakip sa Palma bridge.
Medyo madilim din, pero yung medyo white sa gitna, yun na yung Palma Bridge. Exposed na siya ngayon, wala na yung mga puno na nasa may ilog dati. Pagdating sa Freedom Park, dinayo talaga namin ang Dao Tree! Galing, di nga siya natumba! Ni hindi nga nadagdagan yung pagka-tilt niya. Nakakatuwa! At nakakatuwa din na meron nang mga benches sa may Freedom Park. Parang Luneta yung Freedom Park ngayon. ;)) Pero ok, kasi ang sarap-sarap-sarap tumambay dun sa Park. ^_^Ang lamig ng hangin, ang ganda ng kulay ng damo. Nakakatuwa tingnan yung mga dorms na parang nagpapaalala ng maraming nakakatuwang memories sa LB. Ang cute tingnan ng mga estudyante na naglalalakad papunta at paalis ng dorm. Tapos kapag madilim na, biglang masisindihan ang ilaw sa mga dorms, sa may Thai Chapel (yun nga ba tawag dun?). Naalala ko yung mga times na nagpapa-pre-finals ang org. Yung mga times na inaabot ng gabi sa mga dorms para sa mga projects or meetings. At marami pang iba! Haaay... LB memories... LB environment... sobrang sarap balik-balikan! ^_^
Sobrang maaliwalas ang itsura ng campus ngayon. Pero hindi masyadong positive ang connotation ng "maaliwalas" na yun. Sayang pa rin yung mga punong natumba. Pero so far, wala naman ako mga memories sa mga punong yun. Ay, di ko pala nacheck yung "Blueberry Tree" sa may Econ/Raymundo. Dun ako maraming memories, kasi araw-araw, dun ako dumadaan papuntang klase at pabalik ng apartment. Tapos kapag may bunga yung puno, pipitas kami nina Mel at Ate Jhem, tapos kakainin. Hihi! Nakikiagaw pa kami dun sa mga batang nangunguha :P
Hindi ko nga din pala nakita yung nabaling hanging bridge! Madilim na kasi eh... [-(
Haaay... babalik ulit ako dun! PRAMIS! :)
(Sa wakas, napost ko na din ang pics! Sorry sa delay. :P)
Darlings
On Thursday (10/5), my three little darlings, together with their daddy (my uncle) are finally migrating to the states. We should be happy. A part of me is happy. But a bigger part of me is sad. Just the thought that I'm not going to hear them shout "Ate Keiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii" when I get home makes my eyes well out.
I will miss them. I will miss them a lot!!! T_T
I can only hope that everything turns out well for them there.
Dey, Mon, Eyon... please always know that Ate Kei loves you so so much! I'm going to miss all of you! T_T
I wish I have a valid reason for a break...
Haaay...
...
Pasensya na.. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko o kung pano
sasabihin ang naiisip ko.
:-|