l.y.n.K.s

Monday, October 09, 2006

Balik LB!

Nagpunta kami sa UPLB kahapon! ^_^ Sa sobrang gusto ko makita kung ano ang itsura ng campus pagkatapos ng bagyo, sumugod kami ni Niknik doon kahit medyo late na.

Malinis na yung campus. Halatang naayos na, mahigit 1 week na din kasi ang nakalipas. Pero andun pa rin yung ibang malalaking puno na natumba, gaya ng puno ng Acacia na nasa gilid ng Admin building. Yung malaking puno na nadadaanan kapag papuntang LandBank o papuntang St.Therese... basta yun! Ang laki-laki ng puno. Ang lawak-lawak ng ugat. At nakakagulat na yung buong ugat niya ay nabunot ng dahil lang sa bagyo. Ang kwento pa ni Niknik, meron mga tao (kasama ang kuya niya) na nagrerequest kay Chancy na wag tanggalin yung puno na yun dun. I-preserve lang para "souvenir" ng kung pano sinira ng bagyong Milenyo ang napakaraming puno sa UPLB. Mukhang wala naman nga masama kung gawin yun. Basta wag lang magpopose ng danger yung pagkaiwan ng puno dun, e di why not?


Sa may tapat ng landbank, gilid ng Admin building.

Naglakad kami hanggang sa may freedom park. Nadaanan namin ang iba pang tumbang puno. Meron pa ngang isang puno sa gilid ng Hum bldg na tumumba dun sa isang waiting shed/tambayan. Pero hindi naman malala.


Hindi masyadong kita, pero na-"crumple" yung bubong ng waiting shed sa may gilig ng Hum bldg.


Isa pang tumbang puno sa may tambayan sa kabilang gilid ng Hum Bldg, malapit sa entrance ng NCAS.

Pagpunta sa Palma Bridge, nakakagulat ang lawak at babaw ng ilog na nasa ilalim ng tulay! Biglang na-expose yung mga bato. Tapos kung dati, hindi masyadong kita ang Palma Bridge mula sa may coop, ngayon, kitang-kita na! Nabali halos lahat ng puno na dating tumatakip sa Palma bridge.


Medyo madilim din, pero yung medyo white sa gitna, yun na yung Palma Bridge. Exposed na siya ngayon, wala na yung mga puno na nasa may ilog dati.

Pagdating sa Freedom Park, dinayo talaga namin ang Dao Tree! Galing, di nga siya natumba! Ni hindi nga nadagdagan yung pagka-tilt niya. Nakakatuwa! At nakakatuwa din na meron nang mga benches sa may Freedom Park. Parang Luneta yung Freedom Park ngayon. ;)) Pero ok, kasi ang sarap-sarap-sarap tumambay dun sa Park. ^_^Ang lamig ng hangin, ang ganda ng kulay ng damo. Nakakatuwa tingnan yung mga dorms na parang nagpapaalala ng maraming nakakatuwang memories sa LB. Ang cute tingnan ng mga estudyante na naglalalakad papunta at paalis ng dorm. Tapos kapag madilim na, biglang masisindihan ang ilaw sa mga dorms, sa may Thai Chapel (yun nga ba tawag dun?). Naalala ko yung mga times na nagpapa-pre-finals ang org. Yung mga times na inaabot ng gabi sa mga dorms para sa mga projects or meetings. At marami pang iba! Haaay... LB memories... LB environment... sobrang sarap balik-balikan! ^_^

Sobrang maaliwalas ang itsura ng campus ngayon. Pero hindi masyadong positive ang connotation ng "maaliwalas" na yun. Sayang pa rin yung mga punong natumba. Pero so far, wala naman ako mga memories sa mga punong yun. Ay, di ko pala nacheck yung "Blueberry Tree" sa may Econ/Raymundo. Dun ako maraming memories, kasi araw-araw, dun ako dumadaan papuntang klase at pabalik ng apartment. Tapos kapag may bunga yung puno, pipitas kami nina Mel at Ate Jhem, tapos kakainin. Hihi! Nakikiagaw pa kami dun sa mga batang nangunguha :P

Hindi ko nga din pala nakita yung nabaling hanging bridge! Madilim na kasi eh... [-(

Haaay... babalik ulit ako dun! PRAMIS! :)

(Sa wakas, napost ko na din ang pics! Sorry sa delay. :P)

6 comment(s):

nasan pic?! nang-inggit ka lang! waaaah!

By Blogger Prinsesa, at 2:08 PM  

;))

wag ka na mainggit, sarah.. sama ka na lang sa susunod! :D

By Blogger Nikki!, at 3:20 PM  

@sarah: pahiramin mo ako ng reader. :P

By Blogger K.L.Y.N, at 6:01 PM  

:(( gusto ko magLB... gusto ko kasama din si reg na mabalikan ang elbi..:(( haay.. memories...

By Blogger reane, at 1:25 AM  

yupyup.. sama tlga ako.. khet magmukha ako third wheel.. wahahaha. :P

By Blogger Prinsesa, at 8:55 AM  

tapos ako 4th wheel. :P

By Blogger reane, at 8:25 PM  

Post a comment

<< Home