l.y.n.K.s

Tuesday, November 28, 2006

first Christmas post for 2006

It's Christmas once again! Nararamdaman ko na yung malamig na simoy ng hangin. Tapos lumalabas na rin ang mga magagandang christmas decors dito sa office, at lalo na sa bahay. Late October pa lang, naka-setup na ang Christmas tree sa bahay, at nakakabit na ang mga Christmas decors. Ang ganda, ang saya! ^_^

Tradisyon na rin sa pamilya namin na maglagay ng wrapped Christmas gifts sa ilalim ng Christmas tree. At dahil marami kami sa pamilya, ang dami namin napoproduce na regalo taon-taon. =D At this year, excited na ako mauna maglagay ng regalo sa Christmas tree namin. Halos nangangalahati na ako sa pag-kumpleto regalo para sa Pasko. Weeeee! Pero marami-rami pa din kulang... sana lang madami pa din sale sa mga malls, lalo na ng mga toys and clothes na pambata, kasi wala pa ako panregalo sa mga inaanak, mga pinsan, at mga churchmates na bata. (dami yun! #-o)

Haaay, ang sarap magregalo. Magastos, pero masaya. Everytime may nakikita kasi ako na item, naiimagine ko agad kung kanino siya bagay at naiisip ko agad yung magiging reaction niya kapag nakuha niya yung gift na yun. Sayang nga lang at limited ang budget ko taon-taon. At sa dami ng reregaluhan, maliit na portion lang ng budget ang pwedeng i-allot para sa isang tao. Gusto ko man siya bigyan ng mas mahal, hindi pasok sa budget. Pero ok lang, it's still the thought that counts. Haaay, excited na ako para sa Pasko. ^_^

27 days to go.... :D

0 comment(s):

Post a comment

<< Home