l.y.n.K.s

Monday, January 22, 2007

Overju!

Super long time no post!
I've been planning to post a lot of new stuff especially about new year and christmas, but I got really busy with work since the start of the year. Hay naku, sagabal talaga ang trabaho sa pag-b-blog. :P

But I will still post all those new stuff. Sisimulan ko na ngayon, pero utang muna ang mga pics, sa office ko kasi na-download. :P

-----
First Christmas gift!
I got Nikki's first Christmas gift last December 24 in a very surprising manner. ;))

Dec. 23 - Saturday. We went to Festival Mall, and hurriedly went home because I have a part in Simbang gabi and I can't be late. Pero medyo late pa din kami dumating, kaya hindi masyadong maayos ang pagpaaalam. Nagbabay lang ako tapos punta na sa church, siya naman deretso sakay na ng jeep. After about 2 hours , habang nasa rooftop kami for the choir's Christmas Party:

Churchmates: Huy Keilyn, si Nikki oh!
Kei: (nagtataka kung bakit bumalik si Nikki, at nagmadaling bumaba)
Nikki: (sobrang bilis maglakad! Sa loob ng bahay ko na naabutan)
Kei: Uy! Bakit ka bumalik? Akala ko nasa byahe ka na? San ka nakarating?
Nikki: Uhmmm... sa... sa Pala-pala. Ahh... kasi... kasi yung mga gift cards, nakalimutan ko. Tsaka yung... yung... calendar, at yung puzzle.
Kei: Huh?? Bumalik ka pa dahil sa mga yun?? Pero sige, kunin ko na agad, para makaabot ka sa van. (:-??)

At inihatid ko si Nikki sa sakayan ng jeep, at nakauwi na siya.
Kinabukasan - Dec.24, kakauwi pa lang namin galing sa church at nag-uusap-usap kami sa terrace nang biglang:
Tita Irene: "Dearest Kei, Merry Chrrriiissstmas! XXOO"
Kei: Huh? (at nun ko lang napansin ang malaking regalo na nakahalo sa pile ng mga regalo sa ilalim ng Christmas tree)
Tita Irene: Sino si XXOO?
Kei: Waaaah! Si Nikki yan... (at dali-dali ko nang binuksan ang malaking gift at pagkatapos ay tinawagan si Niknik.)


Gift na nakahalo sa iba pang mga gifts.


Laman ng gift. :-)

Nun ko lang na-realize na kaya pala siya bumalik nung gabi ay para ihalo ang regalo sa mga Christmas gifts na nasa Christmas tree. :-) At totoong nakarating na siya sa Pala-pala - sa SM Pala-pala para bilhin yung gift. Haaaay... sweet! ^_^ Original plan pala niya ay dapat di ko siya makikita, kaso ayun, kaya kung ano-ano na lang sinagot niya nung tinanong ko kung bakit siya bumalik. :P

Thank you very much Niknik! I really love it (at syempre, "you" din =D)! Cute-cute ni eeyore! :-)
---
New shoes!
I've been planning to buy myself a decent rubber shoes since November. I want it to be my christmas gift for myself. Particular brand was Nike, but whenever I check the tag prices, I always end up telling myself na "Evans na lang kaya?". Hehe. Then I saw Nike's new arrivals... biglang nagpa-cute sa akin ang isang 'to. Oh my wow! Ang cute niya talaga, kaso ang presyo... oh my wow din! Pabalik-balik lang ako sa shop para tingnan siya at halos palagi, sumasagi sa isip ko ang karibal na Evans. Nag-decide ako na maghintay ng konti hanggang sa maging sale siya, kahit 10% off lang, basta sale. Hanggang sa...

Kei: Wee! Sale sa Nike women, baka discounted na yung gusto ko na shoes. :D
Nikki: Tara, pasok tayo.
Rubber shoes: nakaupo sa shelf, nagpacute na naman, pero hindi Sale! #-o
Sales Lady: Hi ma'am! New arrival po yan, try mo po ma'am, konti na lang din ang natitirang sizes kasi mabili yan.
Kei: Shocks! Sige, sukat lang! Suuukkaat laaaang!
--- ang ganda ng fit. Ang sarap sa paa. Ang ganda ng style. Ang mahal. :(---
Kei: Ang ganda talaga! Kaya lang, wala ba kayo year-end sale? Di ba to mag-s-sale?
Sales Lady: Ma'am, si po talaga yan kasama sa mga items on sale. Baka matagal pa po bago yan mag-sale kasi new arrival lang yan.
Kei: Hmmm...
--- Kei at Nik, nag-uusap na na wag na muna bumili at hintay na lang hanggang sa mag-sale.---
Sales Lady: Sige ma'am, 10% discount kapag cash.
Kei at Nik: (nagkatinginan... Woah! :-o)
Kei: Ay sige po, paki-reserve, mag-w-withdraw lang kami.

Hehe. At yun ang istorya ng maganda ngunit mahal na shoes. Bilang kapalit, di ko bibilhan ng damit ang sarili ko hanggang March! :P At least, maganda Christmas gift ko sa sarili ko. :P


Yung shoes. :-) Ganda ba?
---
Christmas Party!
Akala namin, magiging boring at malungkot na naman ang family Christmas party namin this year dahil bawas na naman kami. Pero, there's really something in the family na kapag nagsama-sama -- Fun to the max! Nagasgas ang lalamunan namin sa pag-vi-videoke. Natuwa sa bundok-bundok na gifts. Sumakit ang tyan kakatawa sa mga games! Nag-enjoy to the max! :D


Videoke Time. Humataw ang pinsan kong si Madel!


Kids' games! Sabi ko next year, ipapalaro ko 'to sa mga matatanda naman! :P


Adults' game-- decent. :P Tribute din kay lola, puro tungkol sa kanya ang mga pinahulaan. :-)


Gifts and gift-giving! I soo love this part! ^_^

Haaay... I love my family. :-) Kahit puro panyo ang gift nila sa akin. Haha!
---
At isa pang haaaay with a smile. What a wonderful year 2006 was. Many new great things came into my life, many new blessings. The blessing of Nikki, new work (and though, this new work demands a lot from me, I still enjoy it), new set of friends, new experiences and my pefect-as-they-are family. There were also a bunch of things to cry about, but they're just too negligible compared to all the wonderful things that God has brought and is bringing into my life.

Sabi ko nga kay Nikki during our "christmas date": "Everything I want, and everything I need, I got this year... plus more!" :-)

I can't thank God enough for everything. Sas eyharistoyme Lordos! :-)

0 comment(s):

Post a comment

<< Home