The other half of Strawberry Gin dudettes!
Reunited and it feels so good...Sarah, Mel and I at Pancake House last March 14, 2006. I met them for lunch after my technical interview. Grabe, ang tagal na nung huli kaming nagkita-kitang tatlo. Graduation day was the last time all three of us were together. After that, it's either I meet Sarah for gimmicks or I meet Mel for highschool get togethers. Haaay... I miss our days in LB... in Mamorno's boarding house and in Strawberry Gin apartment. Hehehe!
Spot the difference in our pics!
SET 1: Inseparable duo! (by heart)
We were classmates from Grade 4 - 4th year high school... hausmates during our 4 year stay in UPLB. Whew! Kakamiss! :D
SET 2: Pretty three!
Picture # 1:
Kuha nung manong waiter na allegedly ay may crush daw sa akin, sabi nina sarah at mel. isang malaking kabaliwan! nakabiktima na naman ng waiter... for the nth time. hahahaha! Ang papangit namin sa pic na to.
Picture # 2:
Nakapatong lang yung camera dun sa parang ledge. Naka-self timer. Dito ang gaganda na namin. Hihihi!
SET 3: *ngasab* *ngasab*
Nakakagutom mag-isip ng isasagot sa technical interview! (Hihi! Mag-explain ba daw?! :P)
SET 4: Takas na!
Kung meron mang nag-iba, yun ay ang nakakagamit na kami ng credit card para magbayad ng bills! O diba?! :P
Sana makumpleto kaming original housemates minsan: Me, Sarah, Mel, Tina, Ivy, Joy. Well, that would be our next project! ;-)
Ayus!
Keilyn, your movie star double is Cate Blanchett
An intellectual like you needs to be played by someone who understands how to be deep without being boring, someone who can grasp complicated subjects and make them seem clear cut, someone like Cate Blanchett. Whether bringing to life Elizabethan stories or playing an undercover WWII courier in Charlotte Gray, Cate has shown the world that being smart can be sexy.
Were you sometimes the kid in class who realized when the teacher made a mistake — even if you didn't always point it out? Now that you're grown up, it wouldn't surprise us if you still liked the challenge of banter or enjoyed staying up late talking about the latest in political, social, or celebrity circles. Your glamour comes from your head first and radiates out through your looks. Cate's a natural to star as you because she, like you, has a good head on her shoulders. And she isn't afraid to use it.
-------
Oo, tinatamad na naman ako gawin ang dapat ko gawin kaya napatulan ko 'to. Pero ok ah! ;))
Test taken from Tickle. Forwarded by Fred.
Dilang Anghel
Kahapon, nung papasok na ako sa building para sa interview, ininspect ng guard ang bag ko at tinanong kung ano ang pakay ko. Sabi ko, “interview po”. At ang sabi niya, “Tanggap na.”, with matching ngiti, kaya nginitian ko din siya. Pero alam ko naman na imposibleng malaman ko kung tanggap ako dahil 2nd to the last interview pa lang to. May isa pa. Dun pa lang magkakaalaman.
Ngunit, subalit, dapatapwa’t…
Kaninang tanghali, nakatanggap ako ng text message galing sa Recruitment agent ng HR: “Hi Keilyn, as per sir rocky u need not be interviewed anymore. Would like to schedule you for medicals tom at 8am. Bring 1 1x1 pic. Pls confirm. Tnx!”
Akalain mo… nag-dilang anghel si manong guard! Ang galing! :D
-----------
Haaaay… sobrang bilis ng mga pangyayari. Shocked pa din ako hanggang ngayon. But I can only thank God for everything. If things are going smoothly in my life right now, I only have God to thank for. Thank you Lord and please guide me, especially now that I have to make bigger and more complicated decisions. Thanks for everything!!!
P.S.
Sana tawagan at tanggapin na din sila. Mas masaya kung magkakasama!!! [-o<
BAD...
... is the best word to describe how I feel. I feel so sad, I feel so frustrated, I feel so disappointed for letting one great opportunity pass. How can the timing be so right? (sarcastic)
... I want to blame myself for letting it pass. Being responsible and good can sometimes be a liability. Today, it is. And I just feel sooooo bad for that. Naiinis ako! Naiiyak ako! Nalulungkot ako! Pero... ewan! I want to justify what I just did, but I can't. Sobrang responsable ko nga lang cguro. Mayabang ba ang dating? Cge, pero ganun eh, at nakakainis yun.
Haaay... sana lang merong mas magandang pagkakataon. Sana may mas tamang oras para dun. Sana hindi ako mali. Sana meron pang susunod. Naniniwala ako na meron... na merong mas tamang oras kaysa sa ngayon, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na malungkot sa pagpapalampas sa ngayon. Ang tagal ko/namin itong hinintay, tapos ipagpapaliban ko lang pala.
Lord, let this decision be counted NOT against us, rather for us. I know that there will be a better opportunity and a better timing. But, let me cry for this one that I chose to slip out of my hand. Just let me cry for this regretful moment, I feel really bad, but my spirits are still high. I have faith that there'll be another chance. Let US have this please. My hope and trust is in You. Incoherent? Yes. Magulo ang utak ko ngayon. But I have to get this off my head and my chest. Frustrated but still hoping... *isang malalim na buntong-hininga*
Kay tagal...
- matapos ng araw na'to. Nababagot na ako. Ang daming dapat gawin, pero tinatamad akong gawin.
- mag-Friday. Gusto ko nang matapos ang work-week na 'to at magliwaliw sa weekend. :D
- tumawag ng pinag-applyan namin. Kelan pa nga kaya?
Kay bagal ng oras. Naiinip na naman ako. Haaay...
RE: Magandang Umaga!
This is an update regarding my previous post. Nag-improve na si Eyon. Kung dati... "Ex.. ex.. X, I, J, K" at "i.. i.. E, F, G", ngayon, ganito na:
Keilyn: Ano nga yun, Eyon? Ex.. Ex..
Aaron: Ekskus mi!
Keilyn: Yan, galing! E yung isa... Babay tapos... i... i...
Aaron: Ikskus mi!
Pambihira! #-o
At eto pa ang isang blooper niya:
Aaron: (umubo)
Keilyn: Diba sabi ko, pag uubo, dapat tatakpan ang ...? (*bibig*)
Aaron: lalamunan!
:))
Magandang Umaga!
Nakakatuwa ang umagang ito... bukod sa maganda ang tulog at gising ko... nakasabay ko ulit sa breakfast si Aaron. Maganda ang mood niya ngayon, di tulad kahapon na hindi siya nagsasalita dahil antok pa.
Nakaupo ako, si Eyon, at si mama sa table habang kumakain, nang biglang napabahing si Eyon. Sabi ni mama: "O ano sasabihin mo? Ex... ex..." Ang ibig sabihin ni mama ay "Excuse me", pero ang sabi ni Aaron: "Ex... Ex... I, J, K" =)) (Dobleng mali! Ginawa pang H ang X!)
Tapos, nung paalis na ako, niyakap ako ni Aaron at hinalikan, tapos sabi niya: "Babay!". Sumagot din ako ng babay, at sabi ko, "Ano pa yung ibang sasabihin mo? Babay tapos... i... i...". Ang ibig kong sabihin ay "ingat", pero sabi ni Aaron: "E, F, G" =))
May mas gaganda pa ba sa umaga ko? =D
Survey (can't believe I answered this!)
Message: Can you name 21 people you can think of right off the top of your head? Dont read the questions underneath until you write the names of all 21people. Ready, Start! People:
1. Sarah
2. Arian
3. Joane
4. Kaye
5. Inee
6. Herlin
7. Nikki
8. Manfred
9. Jhem
10. Bethel
11. Jessie
12. Elsa
13. Sheila
14. Chinky
15. Michelle
16. Mark
17. Rev
18. Karen
19. Hazel
20. Mel
21. Shonnie
Now answer the questions according to the names listed above THE
QUESTIONS:
**how did you meet 14?
Chinky? Cousin... classmate way back nursery days... churchmate... friend ever since I was a kid.
**What would you do if you had never met 6?
Herlin? Hmmm... cguro walang ICS Christmas Party, hindi ganun ka-organized ang SystemOne. I still look at him as an events organizer in the making. :P
**What would you do if 20 and 9 dated?
Sasama ako sa kanila! We used to go out before when we were still together in UPLB! Ate Jhem, Mel and I. We call ourselves the Tita Jam's angels! Haaaay... missed those days!
**Describe 8:
Papa bear! Mabait, organized (lahat ng gagawin, may naka-set na time), makwento (sobra!), theoretical! hihi!
**Do you think 13 is attractive?
Oo naman! wala naman ako kaibigang pangit e! :P
**Tell me something humilating about 17?
Wahahaha! Mahilig umutot! Tapos kapag umutot na siya, nakapose pa! Ang kuleeeet talaga! Miss you bes!
**Do you know any of 4's family members?
Nope. Never met her family yet. We planned to go with her to Bicol before, I could have met her mom and siblings there, but... never mind... it's a frustrating story!
**What's 21's favorite color?
Mama Shonnie... hmmm... i think black... because she looks a lot thinner in it. :P
**On a scale of 1-10,how hot is 10?
Bethel? 8! Hot chick! Voluptuous at makinis! Weetwee!
**What language does 20 speak?
English, tagalog... ano pa ba? wala na yata? Tsk, bakit yun lang ang natapat na tanong kay mel?! Tsk, i miss this cutie gurl!
**Who is 9 going out with?
Papa bear Rener -- her boyfriend!
**What grade is 16 in?
College undergraduate. Used to be in Bible School, now trying his luck in the music industry with his band!
**When's the last time you talked to 13
Last Sunday, at church.
**What is 2's favorite band?
Arian???? Ewan!!!!! Hmmm... lemme' think... ah! Parokya ni Edgar! (maybe)
**Would you ever date 7?
Waaaah! Talagang ito pa yung tanong na tumapat???!!! Oh well, we do go out. :P
**Would you ever date 3?
Oo naman! we always go out. last "date" was Monday! ;)
**Is 11 single?
Hinde noh! Tatay ko to eh! He's not single! Don't you dare... [-X
**what is 19's last name
Ticao
**Would you ever want to be in a serious relationship with 5?
Hindi kami talo! Masyadong maingay na relasyon kung sakali. :P
**What school does 3 go to?
Used to be in UPLB. Met her there.
**Where does 15 live?
Niyog, Bacoor with her husband and kids. Used to be my neighbor though. Bestfriend ko to, but haven't seen her or even communicated with her in a long while.
**Are number 7 & 8 Best friends?
They're friends. But they've both told me some things about their best friends (separately), so I guess, they're not best friends.
**how do you feel about number 1?
Sarah! how could have I survived without her! She thinks, the same way as I do, as in! Same wavelength! I feel that my life would have been a lot lonelier and boring without her! Hehe (touched ka ba, Sarah?) BTW, she's the one who influenced me to answer this survey. I'm not really fond of things like this, but if it's from Sarah, it must be fun! :P
Project Doodle
Dala ng katamaran...
Nang dahil sa kapaguran...
Sapagkat kami'y sawa at pagod na...
Dahil ayaw pa namin tapusin ang mga pinagagawa nila...
Kami'y nagpakaabala...
Sa isang gawaing masaya...
Doodles, wahahaha!
At syempre, ang subject ay walang iba...
kundi ang mga kaibigan naming loka-loka...
Si Joan at si Sarah...
Tingnan nyo ang ginawa namin para sa kanila...
Aba, wag nyong pintasan, mahirap gawin yan...
Nangalay ang kamay namin sa pagtapos ng mga yan...
Maganit pa ang mouse ni Arian...
Daliri ko nama'y naninigas sa kalamigan...
Pero, wala kami pakialam...
Para sa petiks, lahat ilalaan!
:P
--------------------------------------------------------------------------------------------------
PROJECT # 1Project Title: Star-studded.
Subject: Mr. Sarah Alarcon Curativo
Project Designers: Arian Lisbog / Keilyn Fauni
Description:
A tribute for the subject, in recognition of his faithfulness as friend and companion. In loving memory of him.
Background:
Nagsimula ang lahat nang makita ko ang status message ni Arian na krus (Ash wednesday kasi), pagkakita ko nun, libingan ang unang pumasok sa isip ko, kaya ayun, nagdrowing ako ng puntod. Sinundan ni arian... pinaganda... sari-saring pangalan ang nailagay namin sa puntod na yun... pangalan ko, pangalan ni arian, at... sa wakas... nahanap din naman ang pinaka-bagay na pangalan sa puntod - S A R A H. Pero hindi dun nagtapos yun, lahat ng lapida ay may tagline, kaya idinagdag ang SON OF DANNY. Nung una nga pala ay umaga ang setting ng larawang iyan. Pero nagkalito-lito kami ni arian, umaga ang ginawa niyang background, habang ako ay nagdodrwing ng buwan! Kaya inulit namin ang proyekto at nagkasundong gawing gabi ang setting. Siyang tunay, mas maganda nga ang kinalabasan! Pero hindi dun nagtapos ang lahat, nang matapos ang proyekto, agad kong ni-print screen at in-email kay Sarah ang proyekto, kasama ang mensaheng ito.
Sarah,
For being a listener...
For being such a good friend...
Forr being such a great companion...
For being the peace-maker in the group...
For being a chartered member of the tittle-tattles...
For you, here's a little tribute.
THANKS FOR EVERYTHING! Your friends til eternity, Keilyn and Arian
Kaka-touch diba? ;;)
--------------------------------------------------------------------------------------------------
PROJECT # 2:
Project Title: Lord of the Limatiks
Subject: Ms. Joane Kathreen N. dela Cruz
Project Designers: Arian Lisbog / Keilyn Fauni
Description:
A tribute for the subject, in recognition of her cowardly act during our group's hike to Peak-two. In memory of all the tortured limatiks on the way up and in remembrance of the bloodshed that inevitably transpired during the hike.
Narito ang "The Making" ng proyektong ito:
Pagkatapos ng huling picture, bigla ko naalala na parang merong picture si Joane na ganito ang itsura, kaya agad akong nag-browse sa mga files ko... at sakto! tama ang iniisip ko... dandararaaaaan...
Kaya lalo kaming ginanahan ni Arian, at ipinagpatuloy ang aming madugong proyekto!
... at matapos ang mga finishing touches... eto na ang finished product... presenting...
PROJECT JOANE: LORD OF THE LIMATIKS! Syempre, pagkatapos niyan, in-email ko din kay Joane ang aming proyekto kasama ang message na 'to:
**********************************************************************************
"Iniwan mo akong nililinta,sa gitna ng gubat,at basang-basa pa sa ulan!!!"
Joane, Nawa'y maalala mo ang ating masasayang araw sa kagubatan sa larawang ito. Lubha namin itong pinaghirapan kaya sana'y matuwa ka. Ituring mo itong isang pagkilala sa iyong kaartehan at kaingayan habang tayo’y paakyat sa matayog na peak-two. Mabuhay ka Joane, DIYOSA NG MGA LIMATIK! Hindi nakakalimot, Keilyn at Arian
**********************************************************************************
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Grabe, Sarah at Joane, ang swerte nyo talaga sa pagkakaroon ng kaibigang tulad namin! ;))
And here's Sarah's and Joane's side of the story.
Update!
Sincerest apologies to my avid readers and blog fanatics for not being able to update this webspace for quite a long time. I've been caught up with a lot of tapings and shootings, that I didn't have time to update.
:))
Hmmm... it's really been a long time since my last update... and now, I'm back! Wait, how many times have I said that "I am back!" line in this blog? ;))
Dami na yata! Hihihi! Well, I am really back and I promise to make up for all the stories that I missed to share: the Peak-two adventure; Ilocos getaway; Pinag-isang Puso 7; funny lines from my cuzzins; and our family Christmas Party (yes, I'm including this because I made this as a draft before and it's been in the unpublished folder for over a month now). :P But I don't plan to rush things up! :P
But wait... there's more!
God has been really good to me and He's giving me a lot of wonderful blessings and amazing realizations for the past weeks, and perhaps those great blessings and realizations will be a big bulk of what I want to share. ^_^
Well, I am happy. The credit goes to the Lord for being so good and faithful to me!
Sas eyharistoyme Lordos!