l.y.n.K.s

Thursday, March 02, 2006

Project Doodle

Dala ng katamaran...
Nang dahil sa kapaguran...
Sapagkat kami'y sawa at pagod na...
Dahil ayaw pa namin tapusin ang mga pinagagawa nila...
Kami'y nagpakaabala...
Sa isang gawaing masaya...
Doodles, wahahaha!
At syempre, ang subject ay walang iba...
kundi ang mga kaibigan naming loka-loka...
Si Joan at si Sarah...
Tingnan nyo ang ginawa namin para sa kanila...
Aba, wag nyong pintasan, mahirap gawin yan...
Nangalay ang kamay namin sa pagtapos ng mga yan...
Maganit pa ang mouse ni Arian...
Daliri ko nama'y naninigas sa kalamigan...
Pero, wala kami pakialam...
Para sa petiks, lahat ilalaan!

:P

--------------------------------------------------------------------------------------------------
PROJECT # 1
Project Title: Star-studded.
Subject: Mr. Sarah Alarcon Curativo
Project Designers: Arian Lisbog / Keilyn Fauni
Description:
A tribute for the subject, in recognition of his faithfulness as friend and companion. In loving memory of him.




Background:
Nagsimula ang lahat nang makita ko ang status message ni Arian na krus (Ash wednesday kasi), pagkakita ko nun, libingan ang unang pumasok sa isip ko, kaya ayun, nagdrowing ako ng puntod. Sinundan ni arian... pinaganda... sari-saring pangalan ang nailagay namin sa puntod na yun... pangalan ko, pangalan ni arian, at... sa wakas... nahanap din naman ang pinaka-bagay na pangalan sa puntod - S A R A H. Pero hindi dun nagtapos yun, lahat ng lapida ay may tagline, kaya idinagdag ang SON OF DANNY. Nung una nga pala ay umaga ang setting ng larawang iyan. Pero nagkalito-lito kami ni arian, umaga ang ginawa niyang background, habang ako ay nagdodrwing ng buwan! Kaya inulit namin ang proyekto at nagkasundong gawing gabi ang setting. Siyang tunay, mas maganda nga ang kinalabasan! Pero hindi dun nagtapos ang lahat, nang matapos ang proyekto, agad kong ni-print screen at in-email kay Sarah ang proyekto, kasama ang mensaheng ito.

Sarah,

For being a listener...

For being such a good friend...

Forr being such a great companion...

For being the peace-maker in the group...

For being a chartered member of the tittle-tattles...

For you, here's a little tribute.

THANKS FOR EVERYTHING!

Your friends til eternity,

Keilyn and Arian

Kaka-touch diba? ;;)
--------------------------------------------------------------------------------------------------

PROJECT # 2:
Project Title: Lord of the Limatiks
Subject: Ms. Joane Kathreen N. dela Cruz

Project Designers: Arian Lisbog / Keilyn Fauni
Description:
A tribute for the subject, in recognition of her cowardly act during our group's hike to Peak-two. In memory of all the tortured limatiks on the way up and in remembrance of the bloodshed that inevitably transpired during the hike.

Narito ang "The Making" ng proyektong ito:


Pagkatapos ng huling picture, bigla ko naalala na parang merong picture si Joane na ganito ang itsura, kaya agad akong nag-browse sa mga files ko... at sakto! tama ang iniisip ko... dandararaaaaan...


Kaya lalo kaming ginanahan ni Arian, at ipinagpatuloy ang aming madugong proyekto!






... at matapos ang mga finishing touches... eto na ang finished product... presenting...
PROJECT JOANE: LORD OF THE LIMATIKS!


Syempre, pagkatapos niyan, in-email ko din kay Joane ang aming proyekto kasama ang message na 'to:

**********************************************************************************
"Iniwan mo akong nililinta,
sa gitna ng gubat,
at basang-basa pa sa ulan!!!"

Joane,

Nawa'y maalala mo ang ating masasayang araw sa kagubatan sa larawang ito. Lubha namin itong pinaghirapan kaya sana'y matuwa ka.

Ituring mo itong isang pagkilala sa iyong kaartehan at kaingayan habang tayo’y paakyat sa matayog na peak-two. Mabuhay ka Joane, DIYOSA NG MGA LIMATIK!

Hindi nakakalimot,
Keilyn at Arian
**********************************************************************************

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Grabe, Sarah at Joane, ang swerte nyo talaga sa pagkakaroon ng kaibigang tulad namin! ;))

And here's Sarah's and Joane's side of the story.

3 comment(s):

This comment has been removed by a blog administrator.

By Blogger Prinsesa, at 2:21 PM  

tlgang dinelete? hahaha.. nasan na ang freedom of speech?!?!

ah basta.. kulang ang impormasyong nakalagay jan! :))

R.I.P. Keilyn ... yan dapat!!!

:P

By Blogger Prinsesa, at 2:29 PM  

ayan. pwede naman kasing disenteng comment e, kung ano-ano pa nilalagay! :P

Rules in posting a comment:
1. No unnecessary and unfamiliar names should be mentioned.
2. Walang laglagan.
3. Walang siraan ng reputasyon sa comments.
4. Walang yurakan ng pagkatao.

Hahahaha! Ang daming sinabi! Bakit ba? Blog ko to e! :P

By Blogger K.L.Y.N, at 2:35 PM  

Post a comment

<< Home