l.y.n.K.s

Tuesday, June 27, 2006

Gusto ko:

  • Kumanta kasabay ang tugtog ng gitara. Matagal-tagal ko na ding hindi nagagawa to. Una, dahil nawawala na ang gitara ko. Pangalawa, dahil hirap na rin ako maggitara at limot ko na ang mga chords ng mga alam kong kanta. Pangatlo, dahil hindi na kami nagkikita ng mga dating nag-gigitara para sa akin - sina Weng, Matt, Mark, Josie, Myles, Joshua… haaaay, kakamiss ang mga taong to.
  • Magbakasyon sa isang malamig na lugar. Kahit tag-ulan na, gusto ko pa rin magpunta sa isang lugar na presko at malamig ang hangin. Hindi yung puro aircon lang ang nagpapapalamig sa paligid ko. Gusto ko makakita ng madaming-madaming sariwang bulaklak na iba’t iba ang kulay. Gusto kong matulog sa isang malaking duyan. Gusto kong tumakbo sa buhanginan. Gusto ko sumakay ng bangka. Gusto ko mag-relax sa isang napakagandang lugar.
  • Makasakay ng eroplano. Oo, hindi pa ako nakakasakay ng eroplano. Ang mga lugar na nararating ko ay puro land transportation lang ang kailangan. Gusto ko maranasan lumipad sakay ng eroplano. Maging ka-level ang mga ulap. Makita na nanliliit ang mga matatayog na building sa Maynila. Masilip ang mga nagliliparang ibon sa bintanang katabi ng upuan ko. Naaalala ko tuloy nung elementary na nanalo ako sa isang competition, nagkaroon ako ng chance na sumakay sa eroplano. Sa Isabela kasi gaganapin yung next level ng contest. Pero hindi ako pinayagan ni tatay dahil wala akong makakasama na kakilala. Sayang talaga, ang habol ko lang talaga dun ay ang pagsakay sa eroplano, matalo man ako sa competition, nakasakay naman ako sa eroplano ng libre… kaso hindi nga natuloy. Bata pa lang ako ay pinapangarap ko na magtravel sakay ng eroplano. Pero hanggang ngayon ay wala pa din chance. Pero di ako nawawalan ng pag-asa. Hindi magtatagal magagawa ko din to. =)
  • Matulog nang mahaba habang nakakumot. Nung mga nakaraang araw, bilang na bilang ang oras ng tulog ko. Mahaba na ang limang oras. Tapos halos ngayong linggo na lang lumalamig ang panahon, nung mga nakaraang gabi, ang init. Hindi komportable matulog, halos hindi ko na nagagamit ang kumot ko. Kaya gusto kong humiga sa kama ko, itaklob ang kumot sa sarili ko, at yakapin ang malambot kong unan. Matulog hangga’t gusto. Walang mang-iistorbo, walang kailangang alalahanin. Hindi kailangang pilitin ang sarili na gumising para magtrabaho. Haaaay… antok na ako!

    Update:
    Nung nakaraang Sunday, ang sarap ng tulog ko dahil malamig ang panahon. Nakakumot... nakadantay sa malambot kong unan... Nakayapos kay Scooby.... Nagising ako ng alas-siyete, at nakita ko sa bintana na umuulan pa. Tulog ulit ako. 9:30 na ang sumunod na gising ko. :-o Simula na ng Sunday Service, late na ako, anniversary pa naman ng church! #-o
  • Matuto mag-drive at magkaroon ng kotse. Kaya lang ang traffic sa Pilipinas at ang mahal ng parking fee sa Makati. Pero sa ngayon naman ay ok pa ako sa commute, mas praktikal at in a sense ay mas convenient (dahil mas stressful mag-drive sa masikip na EDSA). Tsaka, wala pa naman talaga ako pambili ng kotse. Wehehe!
  • Dalawin ang nanay ko sa Hongkong o kaya ang lola ko sa US. Pag nagawa ko to, matutupad na din ang pangarap kong makasakay sa eroplano, pero higit pa dun, gusto ko lang talaga makasama ang nanay at lola ko. Gust ko sila madalaw. Gusto ko sila pasulubungan ng mga pagkain galing sa Pilipinas. Gusto ko sila picturan sa mga sikat na pasyalan dun, na alam kong kahit malapit lang sa kanila ay hindi nila napupuntahan dahil mas kailangan nila magtrabaho kaysa mag-gala. Gusto ko silang makatabi sa pagtulog. Gusto ko sila ipagluto. Gusto ko sila yakapin at halikan at sabihing “Nanay/Lola, miss na kita”.
  • Kumain ng tsokolate. Mmmm… nagc-crave ako. Pero hindi ito tulad ng mga nilagay ko sa itaas. Panandaliang craving lang to na baka bukas ay lilipas na din. Naisip ko lang bigla, gusto ko ng Ferrero, ng Twix, ng chocolate with macadamia nuts. Mmmmm… iniisip ko pa lang parang nakukuntento na ako. Sana pag-uwi ko, nandun pa yung isang kahon ng tsokolate na nakita ko kaninang umaga. =D

    Update: Pagkauwi ko nung gabing isinulat ko ito, nandun pa nga yung tsokolate sa ref. Chocolate with macadamia nuts. Kumain ako ng tatlo. Solb! :D
  • Magkaroon ng mga bagong damit, blouse at sapatos. Matagal-tagal na din mula nung huli akong nag-shopping. Ilang buwan na ang nakakalipas. Nagsasawa na ako sa mga sinusuot ko. Pero wala pang resources para sundin ang luho ko. Walang oras at limited ang pera. Hindi ito priority, dahil marami pang kailangan unahin na dapat pagkagastusan. Hindi ito need, want lang.
  • Manood ng concert ng Side A o kaya ni Gary V. Gusto ko makarinig ng malamig na boses. Gusto ko makita si Joey B. at marinig siyang kumakanta. Gusto kong ma-bless sa mga spiels ni Gary sa concert niya. Gusto ko ma-amaze sa mga performance nila. Gusto ko ma-inlove sa mga kanta nila. Gusto ko sila marinig at makita.
  • Manood ng sine sa private cinema ng SM Mall of Asia o kaya ay Gateway Mall. Gusto ko lang maranasan. Gusto ko lang makarelate kapag meron ibang nagkukwentuhan tungkol dun. Gusto ko lang ipagyabang sa mga kakilala ko na nakanood na ako ng sine dun. =P Gusto kong malaman kung gano ka-unlimited ang Popcorn at kung gano kamahal ang drinks. Gusto kong makita ang itsura ng screen nila. Balita ko, 8-storey daw ang screen, gano ba kalaki yun sa actual? Gusto ko malaman!

    Update: July 13 - Sinundo ako ni Nikki sa office at dumeretso kami sa SM Mall of Asia para manood ng Superman Returns sa Imax. :D Treat niya para sa 3rd month namin! ^_^ Nakita ko na ang 8-storey screen at naranasan ko nang isuot ang malalaking 3D glasses! :D Nagkasundo kami na next time, ang ittry naman namin ay ang Director's Club Cinema sa MoA at GPC sa Gateway. :->
  • Matuto magluto ng Pasta. Matagal ko na gustong gawin to, pero lagi akong nauubusan ng panahon o kaya ng motivation para gawin. Gusto kong ako naman ang magluto ng pagkain para sa mga tita kong expert cooks. Gusto ko ipagyabang sa mga tao yung masarap na carbonara at Tuna Pasta na gagawin ko. Gusto ko matutunan masanay sa lasa ng Pesto, na kailangan ko gawin para mailuto ito ng tama at masarap. Gusto ko maging expert sa pagluto ng pasta, dahil ito na lang yata ang hindi masyadong alam lutuin ng mga tao sa amin na magagaling na magluto.
  • I-update ang layout at itsura ng blog na to. Pero wala pa ako ganun kahabang panahon para mag-update. Hindi pa din gumagana ang creative skills ko. Hehehe. Hopefully soon, kapag napagana ko na ang paggamit ng cellphone as modem ng PC. ;-)

    Update:
    Finally, naiba ko na ang itsura ng blog ko gamit ang color combination na gusto ko. Pero hindi pa ako kuntento sa ganyang itsura. Gusto ko mas personalized, mas creative... in short, mas maarte! =P Downloaded lang kasi ang template na'to. Gusto ko yung ako mismo ang gumawa. Hmmm... gagawin ko yan... soon

Ang dami ko pa gustong gawin, ang dami ko pa gusto maranasan. Kulang sa oras, kulang sa pera, kulang sa motivation at sa iba pang resources. Naisip ko lang bigla, ang dami ko pang hindi nagagawa. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako masaya. Masaya ako sa buhay ko. =) Gusto ko lang magkaroon ng iba pang bagay na pwede ko i-look forward. Hindi naman ako naghahangad ng hindi ko kayang bilhin o gawin. Kayang-kaya ko gawin lahat ng mga nilista ko sa taas, ang hinihintay ko lang talaga – tamang panahon. Mga ilang buwan o ilang taon mula ngayon, babalikan ko ang post na ito at icacancel out ang mga bagay na nagawa ko na, at baka pag binalikan ko ito, i-update ko na rin ang listahan at dugtungan ng mga bagong bagay na gusto ko gawin. =)

2 comment(s):

wow ang dami at ang detalyado at tagalog! wow! wow! wow! hehehe.. to follow na lang ang matino kong comment.wehehe.

shopping tayo! :P tara mag-US tayo and HK! :P

By Blogger reane, at 11:34 PM  

tara, shopping :)

dun lang ata ako makaktulong sa mga gusto mo gawin.. hahahha.

By Anonymous Anonymous, at 9:47 AM  

Post a comment

<< Home